14.9.06

:: INTERESTING ::

Ako'y naintriga sa isang komento ng isang taong napadpad sa aking blog. Pag pasensyahan nyo na ang aking mga salitang gagamitin sapagkat *datapwat subalit -haha-* dahil di ako bihasa sa wikang tagalog.
Kailangan nga bang lumimot sa isang magandang pagkakaibigan?
Ang sagot ko, OO.
Dahil magkaiba tayo ng paguunawa/pananaw, ang akin ay ito.
Kapag ang aking pagtitiwala sa isang taong tinuring ko na kaibigan ay nasira, aasahan nya na pati buong pagkatao nya ay kakalimutan ko. Hindi ko sila hahayaan na sirain muli ang kung anong tiwalang binigay ko sa kanila.
Naway mamatay na sila.
Oo, ganun ako kasama. Wala na akong pakialam kung anu-ano ang gagawin nila, basta ba't di nila ako muli babanggain!

*bow*

No comments: