:: Susubukan ko lang ::
Ikalawang pahayag ko ito dito sa aking blog. Paumanhin kung di ako masyadong magaling sa ganito. Mas kabisado ko kasi ang salitang Ingles, kasi pwede kong singitan ng ibang kaek-ekan na salita dun. Di ko naman sinasabing bihasa nga ako sa salitang Ingles, natatakot lang akong magTagalog at baka maraming maipintas sa mga sinasabi ko dito. Nageensayo lang ako at nang mahanda ko sarili ko sa gagawin kong proyekto.
---
Kagabi, medyo nage-emote *o cge haluan ko kang ng konting ingles* ako. Dahil sa di ko masabing dahilan. Nakakalungkot nga eh. OO ang mga tulad kong may topak ay nagkakaron ng ganitong pakiramdam. Tamang-tama naman sa page-emote ko eh biglag tinugtog yung "I'll be over you" ng Toto. Langya talaga, pinipigilan ko na nga sarili ko eh papatamaan pa ako.
Bakit kaya, na sa tuwing tayo'y nalulungkot o kung ano man yung nararamdaman natin eh eksakto namang magkakaron ng background music. Yun tipong sasabay sa mood mo. Sadya nga bang ganito o dahil nagpapaapekto lang rin tayo sa emosyong umaapaw. Napansin ko kasi na nung wala akong natitipuhan eh panay Rock songs o yung mga kaweirduhang kanta ang pinapakinggan ko, ngayon namang medyo may nakakakuha ng pansin ko eh puro mga RnB at Mellow na kanta ang pinapatugtog ko. Sadyang makulit ang buhay.
Tama nga yung sa Cinema 1 na channel, ang buhay nga ay parang pelikula. Puno ng drama, aksyon at komedya. Sa akin lang naman eh, pinipilit kong mapuno ng komedya ang buhay ko nang sa ganun eh di ako maapektuhan ng kung anong sakit na pwedeng ibigay ng mga tao. Inaamin ko noon, ako yung isa sa mga gustong mapag-isa. Nasa isang sulok, nagsusulat. Ito ay nung nasa high school ako. Nagtataka lang ako na nung bata ako, mga grade school yata, eh ang hyper ko. Makulit na bata. Biglaang pagbabago.
Pero nung 2nd year high school na ako, eh naghalo na ang personalidad ko. Makulit pero malihim. Hanggang ngayon ganun pa rin ako, nadagdagan nga lang ng pagkamaangas *sabi nila*.
Natatawa ako kapag naaalala ko yung mga sinulat ng mga kaklase ko noon sa mga pinapapirma/pinapasulatan ko sa kanila tungkol sakin. Ang pinakadominanteng salita doon eh "MOODY". Ganun na nga siguro, hanggang ngayon. Alam kong may mga katulad ako *somewhere out there*. Ang mga tulad namin kasi eh hindi sanay na magpakita ng emosyon, nagiging manhid. Magaling tumulong sa mga kaibigan lalo na sa pagbibigay payo, pero sinosolo naman ang mga sariling problema. Mahilig magpatawa pero nahihirapan rin pala kapag nag-iisa na.
Kahit na sinusulat ko ito dito, kulang pa rin ito para maipaliwanag kung ano talaga pinoproblema ko. Dalawang tao lang ang makakasolba ng mga iniisip ko ngayon. Ang Panginoon at ako.
*puro nanaman lab songs ang tugtog ngayon, nu ba yan!!*
Ang galing ano? nagsimula lamang sa isang paksa at napunta ako sa pagkukwento ng drama sa buhay ko. Isa lang ang pahiwatig nito. Ako ay madaldal. Madaldal nga pero mahilig mambitin. Tama ako diba? hehe. Hanapin nyo na lang ang kahulugan ng ginagamit kong pangalan dito at nang makonek nyo yun sa pahayag kong ito. =)
Pam, wala akong ibang maisip na pwedeng malagay dito eh kaya ito na lang. Hehehe. =P
No comments:
Post a Comment